Papaano nga ba makapag avail ng Pag IBIG housing loan? Sino – sino and pwedeng makapag avail nito?, anu ba ng mga kailangan for Pag IBIG housing loan requirements?
Yan po ang mga kadalasang tinatanong ng ating mga kababayang Pilipino sa kagustuhang magkaroon ng sariling house and lot para sa kanila pamilya. Kaya naisipan po naming gumawa ng article para masagot ang lahat ng katanungan patungkol sa Pag IBIG housing loan.
Kabayan, masarap magkaroon ng sariling bahay diba? Marami na ngayong nauuso na rent to own house, rent to own condo na abot kayang halaga. Meron din naman na house and lot for sale. Mas malapit sa manila, mas gusto yan ng ating mga kababayan dahil nasa manila lahat kadalasan ang trabaho ng ating mga kababayang Pilipino.
Kaya lang sa panahon ngayon, wala ng mga mabababang down payment at mababang monthly amortization kapag ikaw ay nag hahanap ng house and lot for sale near manila.
Kadalasan dyan nasa 300k pataas and mga down payment. Mas malapit sa manila, mas mahal. Syempre mahirap ito para sa ating mga kababayan lalo na kapag ang sinasahod nila ay hindi gaanong kalakihan.
Buti nalang talaga may programa ang pag ibig na pwede kang pautangin pambili ng house and lot para sa pamilya mo. Ito ay tinatawag na Pag ibig housing loan. Ang Pag IBIG housing loan ay malaking tulong sa mga bawat Pilipino, empleyado man dito sa ating bansa o kaya naman ay OFW.
Papautangin kayo ng Pag IBIG para makabili ka ng sarili mong house and lot at pwede niyo pa ito hulug hulugan hanggang 30 years. Ang saya diba? Magiging affordable ang inyong monthly amortization sa Pag IBIG at hindi gaanong masakit sa bulsa.
Sino – sino nga ba ang pwedeng makapag avail ng pag ibig housing loan? Simple lang ang sagot sa tanong mo kabayan.
Ang pwede lang mag avail ng pag ibig housing loan ay ang mga may kasalukuyang trabaho (Locally employed or OFW), may sariling negosyo na may business permit at Mayor’s permit, at ang pinaka importante ay dapat member ka ng Pag IBIG.
Ito naman ang dapat mong isaalang alang kung ikaw ba ay qualified maapprove sa pag ibig housing loan:
- Ang iyong Pag IBIG membership status
- Ang iyong edad
- Ang kakayahan mong magbayaran ang monthly amortization
- Kung ikaw ay may iba pang pag IBIG loans kagaya ng personal loans, calamity loans at salary loans.
Lahat ng ito ay iisa isahin natin para lubos mong maunawan ang mga basic qualifications para ma approve ka sa pag ibig housing loan.
Pag ibig membership status
Narito ang kabuuan ng basic requirements para makapag avail ka ng pag ibig housing loan. Please click here: Housing Loan Pag IBIG Requirements
Para ikaw makapag avail ng housing loan sa pag ibig, dapat ikaw ay ACTIVE member ng pag ibig for at least 2 years. Ibig sabihin po nito ay dapat meron kang 24 monthly contributions sa pag ibig at ito ay dapat updated. Kung ikaw naman ay OFW, pwede ka mag instant membership.
Babayaran mo lang ang kabuuan ng 24 months contribution, 200 pesos po yun per month. Tandaan, OFW lang po ang pwedeng mag instant membership para makapag avail ng pag ibig housing loan.
Question: Pwede po ba mag lump sum contribution? (babayaran yung kakulangan para umabot ng 2 years ang monthly contribution mo sa Pag IBIG).
Answer (Local): Yes pwede po yun, as long as may kasalukuyang trabaho po kayo. Pupunta lang po kayo sa HR ng company niyo para itanong kung saang Pag IBIG branch po sila nag reremit ng inyong pag ibig contributions. Dun po kayo mismo mag babayad ng inyong Pag IBIG monthly contributions. Babayaran niyo nalang po yung kulang na buwan para makapag avail po kayo ng Pag IBIG housing loan.
Answer (OFW): Pwede po kayo pumunta sa Philippine Embassy natin po dyan sa bansang pinag tatrabahuhan niyo para mabayaran yung kakulangan para makapag avail ng Pag IBIG housing loan. Kung kayo naman po ay walang oras sa pag aasikaso dahil sa trabaho niyo po dyan. Pwede po kayo mag padala sa kamag anak niyo po or kung sino man ang magiging representative niyo para sila ang mag aasikaso po dito ng pag avail nyo ng Pag IBIG housing loan.
Pag IBIG Financing Tips for Membership
Narito po ang ilang mahahalagang tips para malaman kung ang pag ibig membership niyo po ay active pa ba or hindi na:
Mabilis mo ng malalaman kung ikaw ay active member pa ng pagibig, pupunta ka lang sa kanilang online pag-ibig website. Please click this link How to check pag ibig contribution online.
Kung kayo po ay lilipat or lumipat ng bagong company. Dapat po kayo mismo ang magpa consolidate sa Pag IBIG branch kung saan po nag reremit ang bagong company niyo ng inyong Pag IBIG contributions. Ang pag papaconsolidate po ay inaabot ng 3-4 weeks, inaupdate po nila ang Pag IBIG membership niyo sa bagong company niyo po.
Pag sasama samahin po nila ang lahat ng pag ibig contributions niyo simula nung nag trabaho po kayo, pag na inform na po kayo na ok na ang pag papa consolidate niyo, dun palang po kayo pwede makapag avail ng housing loan niyo.
Lagi niyo pong tatandaan na kailangan po ng Pag IBIG na good record po kayo sa monthly contribution at payments ng loans niyo po. Kung may existing loans po kayo katulad ng personal loans, salary loans, calamity loans, pwede pa din po kayo mag avail ng Pag IBIG housing loan, provided na dapat po updated ang payments at wala po kayong delayed payments or utang sa pag ibig para mabilis lang po maiprocess ang Pag IBIG housing loan niyo po.
Your Age
Sa lahat po ng mag apply ng pag ibig housing loan, dapat po ang kasalukuyang edad niyo ay hindi po lalampas ng 65 years old para mabilis po kayo ma approve sa housing loan.
Kung kayo naman po ay na approved sa pag ibig housing loan kahit 65 years old na kayo, ang maximum year of payment niyo po ay 5 years na lamang kaya magiging mas malaki at mas mahal ang monthly amortization niyo sa pag ibig housing loan.
Sa pag aapply po talaga ng mga loans, madalas po na tinitignan nila ang edad ng gusto mag loan lalo na kapag ang financial institutions ay Pag IBIG at mga kilalang banks na nag ooffer ng housing loan.
Pag IBIG Financing Tips
Habang mas younger age pa po kayo, mag avail na po kayo ng Pag IBIG housing loan dahil kapag mas bata pa po ang edad, mas mabilis po kayo maa approve sa Pag IBIG. Kung kayo naman ay bagong tanggap lang sa isang company, ok lang po yun. Kahit kakasimula niyo pa lang po sa trabaho niyo, pwede na po kayo mag avail ng housing loan.
Capacity to pay monthly
Usually, ang inyong monthly income ang basehan po ng Pag IBIG at ilang financial institutions. Dapat ang monthly amortization ng bahay na gusto mong ma avail ay 1/3 lang ng iyong monthly income para ma approve ang iyong housing loan sa pagibig or other financial institutions.
Ex:
15,000 ang monthly income mo.
1/3 of your salary and dapat lang nakalaan for monthly amortization.
5,000 monthly amortization ang pwedeng ma approve for housing loan.
Pag IBIG financing Tips
Kung ang monthly amortizations ng bahay na gusto mo ma avail (rent to own, house and lot for sale) ay sosobra sa 1/3 ng monthly income mo, mahihirapan ka ma approve sa pag IBIG. Ang other options ay pwede ka mag co-borrower, pwedeng kamag anak o kaibigan na dapat ay Pag IBIG member at may kasalukuyang trabaho din. Ang monthly income niyong dalawa ay pagsasamahin para ma approve kayo sa Pag IBIG housing loan.
Kayong dalawa ang nakapangalan sa title ng house and lot na gusto niyo ma avail. Take note, maximum po ng 3 co-borrowers ang allowed ng pag ibig sa pag aapply ng Pag IBIG housing loan.
Other important notes on Pag IBIG housing loans
You are only allowed to apply one Pag IBIG housing loan at a time. Kailangan po munang matapos niyo ang existing housing loan niyo bago po kayo makapag avail ulit ng another housing loan.
Kahit kayo po ay co-borrower lang, kailangan niyo pa din po munang matapos ang housing loan na inavail niyo sa Pag IBIG bago po kayo makakapag apply ng Pag IBIG housing loan ulit.
Ang pagbabayad naman po ng Pag IBIG housing loan ay flexible sa payment schemes. Kapag may extra money po kayo, pwede po kayo mag add ng mag add sa monthly para umikli ang years of payment niyo sa Pag IBIG. Kung meron naman po kayo ibabayad na more than 100 thousands, pwede po kayo mag direct sa main branch ng Pag IBIG sa may Shaw Boulevard para ma update na po nila agad ang balance niyo.
Kung mag aavail po kayo ng housing loan, mas recommended po na sa Pag IBIG nalang po kayo mag avail compared sa other financial institutions or other banks na nag ooffer po ng housing loan. Pag IBIG lang po ang may flexible payment schemes.
Kung sa other banks po, kahit may extra money po kayo, fixed priced niyo po babayaran yung whole bank interest rate na nakuha niyo kung sakaling 20 years to pay po ang maa avail niyo. Unlike po kapag sa Pag IBIG pwede niyo po ma avail yung maximum years of payment nila na 30 years para di gaanong masakit sa bulsa then kapag nagka extra money po kayo, pwede po kayo mag bayad para mapaikli yung years of payment niyo po pati na din ang interest ng Pag IBIG housing loan rates.
Kung kayo naman po ay may previous na housing loan sa Pag IBIG, SSS, GSIS na naforeclosed or na approved po kayo for housing loan pero hindi niyo na po intinuloy ang pag babayad ng monthly amortization, blacklisted na po kayo sa Pag IBIG at hindi na po kayo pwede makapag apply ng housing loan sa Pag IBIG. Sana po ay marami po kayong natutunan sa article po nating ito about sa Pag IBIG Housing loan. If you have questions pa po, feel free to comment and we will answer to that immediately.